December 20th, 2007
Einstein Dreams
"Those who truly love us will leave us in solitude with our pain."
"Those who truly love us will leave us in solitude with our pain."

Wala kang makikitang bata diyan dahil ultrasound yan ng kidneys at bladder ko. Nagpa-check kasi ako sa Clinica Manila a few weeks ago para alamin kung ano ang dahilan [at epekto] ng hypertension stage 2 uncontrollable sa kidneys ko.
This week medyo sumasakit ang kaliwang bahagi ng tiyan ko. Psychosomatic lang pala. Letse kasi yung technician -- landi pa -- at sinabihan akong may kakaibang shadow daw sa aking left kidney na ilang minuto niya talagang hinanap, nakatago kasi sa ribs ko raw.
So oks na. Wala na muna akong dapat ipag-alala sa kidneys ko. Ano ngayon ang dahilan ng aking UTI? [sabi pa ni lexmark madalang daw sa lalaki ang nagkaka-UTI] Baka kasi madalas akong magpatsupa. Joke. Dahil siguro sa madalas kong pagpipigil ng pag-ihi. Hayy.
Panakaw ko namang kinunan ang x-ray na ito [hindi sa akin] [kakaiba kasi ang posisyon ng mga buto niya]:

Nagbubura ako ng mga messages sa aking email nang makita ko ito:
thoughts on filipino poetry over lunchbreak and two cups of brewed coffee
there's nothing absolutely wrong with writing poetry that touches the skin of the political, the revolutionary, or that which serves the people. it is an inescapable obligation (or demand, or impulse, or feel, or wala lang, or whatever you'd like to call it) in this third world call center republic, that is if one has ventured into the territory of such realization and unless one has commissioned him/herself to believing that life here is not as third world as we think because we're receiving a starting salary of P18,000 a month (way above minimum wage standards) by working in call centers. in short, not everyone need to write poems that are overtly political (certainly i don't mean 'being didactic' here) and that even those who are inclined to write overtly political poetry (again, not didactic) may still write odes about flying bilaos, bibingkas, kampupots, cybersex, or mga pusang nagkakangkangan sa kung saang pusali. many of the poets writing in filipino will claim: with my poem, i believe i am serving the people. i am continuing the tradition of rizal, bonifacio, balagtas, huseng batute, hernandez, etc. fine. that's fine with me. but the question is: does it really?
http://angasngkurimaw.blogspot.com/2004/12/thoughts-on-filipino-poetry-over.html
Bahagi iyan ng isang blog entry bilang reaksyon ni spin sa http://bituingmarikit.blogspot.com/2004/11/kritik-ka.html.
Hindi na gumagana ang hyperlink pero dun sya nakalagay dati. Sa ugali nmn ni spin [mag-angas at magbura ng blog/blog entries] asahan namang na-lost na ang entry sa cyberspace.
Pinabasa ko ang paragraph sa isa kong kaibigan at eto ang interpretasyon niya:
convertedXX: asking if the political underpinnings supposedly inescapable when writing filipino poetry is really socially-, historically, poltically oriented or just self-serving?
Napa-eyng lang ako dahil -- ewan ko kung praning lang ako o hindi ko naintindihan ang english ni spin -- naisip kong ako ang [o isa ako sa mga] pinapasaringan ni spin sa entry na iyon. Call center.. Php18,000 a month [pero yun ang sweldo ko nung panahong isulat ni spin ang entry. dangan kse may experience na ako sa ibang call center kaya mas mataas ang offer ng kumpanya]. Kasi hindi nmn 18k ang ballpark ng call center kahit noon. At wala akong ibang kilala na nagsusulat at nagpa-pablis ng politikal na tula [politikal at hindi aktibista sabi nga ni rhodge, patungkol sa usapan namin tungkol kay jorie graham] vis a vis mga novelty na tula.
Nakasabay ko si spin minsan sa mrt. At naimbitahan niya ako sa condo niya nang magbenta siya ng mga pag-aari niyang libro.
Minsan nakipagkiskisan si mykel andrada sa mga miyembro ng akdangbayan at sinabing 'vanity publication' ang paglalabas ng mga chapbook ng grupo.
Nalulungkot lang ako. Nagkataon kasi na nagre-resurface na naman ang pagkahilig ko sa pagbabasa ng tula. Lately kinukulit ko nga si rhodge kung kaninong boses ng established poet ang ginagaya ko. Hindi ko rin kasi alam kahit tukoy naman ang mga binabasa kong authors.
Gaano na ba kalaki ang blindspot ko?
Ngayon wala na akong lugar para i-discuss kung ano ang tingin ko sa literature ngayon, kung ano ang dapat tahakin ng pagtula, at kung ano ang pinaggagawa ko sa pagtula ko. Naiinis ako talaga sa tingin sa akin ni spin -- kung tama ang pagkakabasa ko sa entry sa itaas. Mga slaves din kaming mga nagtatrabaho sa call center at pinagpapaguran namin ang kung anumang perang lumalabas sa atm machine. At naiinis ako dahil stressed talaga ako sa trabaho at maraming injustice na nagaganap sa paligid.
Alam ko kaibigan ko si spin. At tingin ko nga mas mataas pa ang sweldo niya sa akin. Kung ganun baka kritika rin ito sa pagtula niya. Taong 2004 pa iyong entry. Ano na ba ako ngayon? Pagkatapos ng angas ko sa grandprize winner ng Maningning.. nang-aaway pa rin ba ako? Nagsusulat pa rin ba ako ng mga didactic na tula? Nakakainis. Isa rin kasi ang sloganeering sa mga nilalabanan ko sa mga politikal na tula na sinusulat ko. Para tuloy wala akong silbi at puro kaplastikan lang lahat ng mga pinagsusulat ko. Nakakainis.
Hindi sinasadyang mapunta ako sa multiply ng ex ko last week.
Achuchwal binuksan niya ulit ang puso ko parang pagbubukas ng puso ng mga bisaya--yung kaning binalot sa dahon ng saging. Maingat na binubukad upang hindi makanti ang nasa loob.
Kaya ako nasabihan ng "Let go.." ng isang kaibigan. Kaya naisulat ko ang tulang Tug War. Nakakapit pa pala kasi ako sa kaniya hanggang ngayon.
Dalawang taon na. Hindi pa ako nakakapagbabang-luksa.
Kaya hanggang sa pagpapa-register ko sa site ng SSS lumitaw siya.

Minulto ako.
Let go. Let go. Bulong na umaalingawngaw sa loob ko.
Hayaan siyang maluoy tulad ng mga buko ng amorseko. Na kumapit sa damit ko.
Pero kakaiba talaga ang irony ng buhay. Sa t-shirt ko sa ibaba ang wika Never Forget.

Hagard: Maligasgas at malangis na pagmumukha.
Tug War
Nakapulupot ang dulo ng lubid
sa aking mga kamay.
Sa kabila, ikaw.
Hinahatak kita pabalik
sa akin. Hindi alam
kung yayakapin
o iiyakan.Hinahatak kita pabalik.
At nagpapakirot
sa loob ang pangamba
na bibitiw ka. Hapdi
itong hindi mapapawi
ng taling ngumangabngab
sa mga palad.Nakapulupot ang dulo
ng lubid sa mga kamay
at pulso. Silong nagbilibid
sa akin sa iyo. Dalamhati
itong aking tinatanganan
mula pa nang una
at hindi ako bibitaw.
Tutal uso naman ang scarf:

Ano kaya itsura ni Abu Sabayya pag mag-Japan Japan!

Weeeeeeeeh..
Wala nang ilaw paggising ko kaya nagbasa na lang ako. Tamang-tama naman ang last story sa Strange Pilgrims ni Gabriel Garcia Marquez--The Trail of Your Blood in the Snow. Habang binabayo ni Frank [parang nagma-masturbate lang no?] ang Kamaynilaan ay pinapasadahan ko naman ang malungkot na buhay ng bida. Wawa. Napa-putangina ako sa ending. Pramis.
Natapos ko na ang koleksyon. Twenty stories. Magsasalin ako ng mga kuwento galing dun pag makakuha ako ng bakasyon.
Pagkatapos e wala pa ring ilaw kaya sinimulan ko ulit basahin ang In Evil Hour. Saktong umuulan din sa unang bahagi ng nobela.
Tas biglang nagka-ilaw.
Kaya nagbukas agad ako ng TV at nagpaandar [salita ito ng aking chismis sa Nueva Ecija.. haha!] ng computer.
ASAP 08. Showdown nina Rachelle Ann Go at Sarah Geronimo. Magkaharap talaga ang dalawa at emote na emote. Pero ang mga mukha nila parang mga nabibilaukang bakla, hirap kasi abutin ang nota. [Gets nyo?]
Buong araw ko ring ka-text si Derick. Weeh. Hanggang ngayon. Refugee siya dito sa Maynila.

Sleeping Man
To find you wilted
like a lettuce in your red
shirt does not diminish
the color of blood
that had seeped
out of that bullet hole
on your temple.
It seems to me your thoughts
quivered like the spray
of blood which scampered
away like ants at the locker
where you lay. Your faint
sighs still resonate: leaves
of a tree bursting into flames.
You closed your eyes
as if you were dreaming
of the halcyon days. (They seared
at the guided blow of the gun.)
Did you see the brightness
of transgression before
you gained the virtue of death?
Through you—
(sleeping until forever),
beauty is soaked
in the sadness of finality.
Show me a smile then
when the greedy
are gone.
------------------------------------
yung larawan sa itaas, kuha ng SOCO.. isa sa mga biktima ng holdapan/masaker sa RCBC bank sa Laguna
Limang kuwento na sa Strange Pilgrims ni Gabriel Garcia Marquez ang nababasa ko. Ang pulido ng pagkakagawa ng mga kuwento. Gusto ko i-translate sa Filipino. Waw! To think na banas na banas ako sa One Hundred Years of Solitude kaya hindi ko matapus-tapos ang Leaf Storm, In Evil Hour, at Of Love and Other Demons.
Sabi ni Jun Lisondra patungkol sa movie version ng Love in the Time of Cholera, "I've never come across a movie with so many breast exposures other than this."
Except perhaps in porn movies for example bukkake. Pero mala-Mebuyan ang lead actress. Haha! Enwey, hindi ko alam kung anong uunahin kong i-consume: movie o nobela. Dati naisip ko pang gumawa ng sarili kong version: Love in the Rim of Arinola.
At saka pala may residue pa ako ng gayness ni Javier Bardiem sa pelikulang Before Night Falls. Parang sa isip mo habambuhay na maging Xerxes I si Rodrigo Santoro. Parang 'Inayy'..
..........................
Nga pala, ipapalabas na ang movie version ng Choke ni Chuck Palahniuk sa September [daw]. Good news para sa kulto ni Palahniuk.
Labs ko 'yung movie at book versions ng Fight Club. Naalala ko tuloy iyong isang 'über-straight' poet na baliw na baliw sa ultra-masculine theme ng Fight Club. Ngek. Di ba niya alam na bading 'yung nobelista.
May nakita akong paperback copy ng Rant sa National Bukstore sa Mega. Baka bilhin ko. Hindi ko pa rin pala nababasa 'yung Diary.
Hindi pa pala ako miyembro ng kulto ni Palahniuk. haha! Sabagay ang dami pang naka-pending na mga librong babasahin.
..........................
Hindi pa rin ako nakakapanuod ng Kung Fu Panda. Buti pa si Ronald Tolentino.
Aantayin ko na lang sa pirated dvd. Haha! Naka-monitor ba sa blog ko ang mga alagad ni Edu Manzano?
Napanuod ko na pala ang V for Vendetta [ayos! sana lumabas na rin iyong graphic novel kong Lighthouse Project.. tinatapos na raw ng cartoonist sabi ni everloving Sarah Grutas]. Asteg pala at Wachowski Bros ang gumawa nung pelikula. Napanuod ko na rin ang Juno. At sorry, Rhodge girl, pero hindi ko nagustuhan ang Atonement. Ang masaya sa dvd may fast forward. Hehe. Hindi ako fan ni Ian McEwan [mukhang ewan]. Another war movie.
Parang pagkabanas ko sa another-soft-porn movie with matching scene ng pinatay o pinaglalamayan to justify poverty at prostitution. Laging ganun. Hayy.

..........................
Naimbitahan pala ako ng Pinoypoets sa GA nila e hindi na nga ako miyembro. Ayoko na run. Me mga plastik kasi. Haha! Sabihan na akong mayabang ng mga plastik mga letse sila! Mga linta!
At least me mga frends pa akong taga-PP na mahal ko talaga.
May mga pending na tula akong ilalabas ng Philippine Graphic sabi ng acting editor. Me tinatapos akong kuwentong ipapasa ko sa kanila, Belinda. Alusyon ni anu. Haha!
May natapos din akong tatlong kuwento para sa True Philippine Ghost Stories. Nagbunga rin ang mga interviews at kuwentuhan. Naalala ko nung mag-interview ako sa San Pedro, Laguna, minulto pa kami sa SOGO! Haha! Riot.
Me tula akong nagsimula at nagtapos sa ganito:
I keep my lovers in my heart
like knives in a cutlery set.
I'll come back
When you call me
No need to say goodbye
ang sabi ni Regina Spektor..
At ang maging hagard sa piling ng mga happy meal toys..

Kumpletuhin ba ang set ng Kung Fu Panda?
Bano ka talaga, Makoy..